Ikinokonsidera ni PhilHealth President Ricardo Morales na mag-leave na muna sa trabaho sa gitna ng mga kontrobersyang kinahaharap ngayon ng ahensya.
Ito ang sinabi ni Morales kasunod ng mungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na mag-leave muna siya bilang pagpapakita ng “delicadeza”.
Habang ayon kay Senator Panfilo Lacson, dapat na mag-resign si Morales maliban na lang kung mapatunayan niyang hindi totoo ang mga alegasyon.
Giit naman ni Morales, hindi agad-agad mareresolba ang problema ng korapsyon sa ahensya kahit pa buwan-buwang magpalit ng PhilHealth president.
Aniya, ang mga problema sa ahensya ay kinabibilangan ng mga long-term issues na nangangailangan din ng mga long-term solution.
Muli namang iginiit ni Morales na handa siya at ang PhilHealth na sumailalim sa anumang imbestigasyon.