PhilHealth, sinimulan na ang imbestigasyon sa mga healthcare providers

Umarangkada na ang imbestigasyon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa healthcare providers at individuals na sangkot sa fraudulent activities.

Ayon kay PhilHealth Vice President for Member Mangement Oscar Abadu, inatasan na ni PhilHealth President and Chief Executive Officer Dante Gierran ang profiling sa mga nasasangkot sa katiwalian.

Ito aniya ang unang hakbang para i-reorganize ang PhilHealth at matugunan ang mga isyu ng iregularidad at korapsyon.


Nakipag-partner din ang PhilHealth sa National Bureau of Investigation (NBI) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) para tukuyin ang mga dawit sa iregularidad.

Bago ito, ipinag-utos ni Gierran ang mga senior officials ng PhilHealth na nasa ilalim ng Salary Grade 26 na isumite ang kanilang courtesy resignations.

Nasa 43 opisyal ang tumalima sa panawagan ni Gierran noong October 8.

Nais din ni Gierran na magtatag ng information technology project sa PhilHealth pero kailangan pa rin itong isailalim sa evaluation.

Facebook Comments