Aminado ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hirap nilang resolbahin ang mga bayarin nito sa Philippine Red Cross (PRC).
Ito ang pahayag ng state health insurer matapos ihinto ng PRC ang COVID-19 testing nito dahil sa halos ₱1 billion utang.
Sa statement, sinabi ng PhilHealth na kinikilala nila ang Red Cross bilang mahalagang partner.
Iginiit ng PhilHealth na nakapagbayad na sila ng nasa ₱1.6 billion para sa 433,623 test.
Pagtitiyak ng PhilHealth na reresolbahin nila ang problema nito sa PRC upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng RT-PCR tests sa mga priority sector na kanilang sasagutin.
“In the meantime, it is requesting that specimens from affected sectors be submitted to other accredited testing laboratories to be able to avail of PhilHealth benefits,” dagdag ng PhilHealth.
Sa ilalim ng mandato nito, ang PhilHealth ay kailangang ipatupad ang National Health Insurer Program na layong magbigay ng health insurance coverage at matiyak ang affordable, acceptable, available at accessible health care services sa lahat ng Pilipino.