PhilHealth, tinalakay sa post-SONA Confab ang mga benepisyong makukuha ng mga miyembro sa kanilang “Yaman ng Kalusugan Program ” o PhilHealth YAKAP

Tinalakay ng Philippine Health Insurance Corp., o PhilHealth sa post-SONA Confab ang benepisyong makukuha ng mga miyembro sa kanilang “Yaman ng Kalusugan Program ” o PhilHealth YAKAP.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson and Senior Vice President for Health Finance Policy Sector Dr. Israel Francis Pargas, ang PhilHealth YAKAP ay ang expanded package kung saan accessible ang health services, kabilang na ang mga gamot, check-ups at mga pangunahing laboratory tests.

Tiniyak din ni Dr. Pargas na sa mga susunod na linggo, ang mga miyembro ng PhilHealth ay makakakuha ng mas magandang benepisyo tulad ng anim na critical cancer screening tests na kanilang ia-activate.

Kasabay nito ang access sa 54 karagdagang mga gamot sa ilalim ng pinalakas na PhilHealth GAMOT o Guaranteed Accessible Medications for Outpatient Treatment.

Sinabi ni Dr. Pargas na asahan pa sa mga susunod na araw ang mas maraming benepisyo na kanilang ibibigay sa Philhealth members para matiyak ang proteksyon sa kanilang kalusugan.

Facebook Comments