Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi maapektuhan ng suspensyon ng contribution hike ang kanilang mga serbisyo at programa.
Kasunod ito ng inaasahang P13 bilyon lugi ng ahensya matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-defer ang nakatakda sanang contribution hike.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PhilHealth Spokesperson Rey Baleña tuloy pa rin ang kanilang operasyon pati na rin ang pagbibigay ng benefits claim sa kanilang mga miyembro.
Aniya, sa huling tala nng ahensya, aabaot pa sa P92 billion ang cash position bukod pa ang mga investments na aabot sa halos P162 billion at reserve fund na P135 billion.
Samantala, kinumpirma ni Baleña na ipapatupad na ngayong taon ang ‘No Co-Payment Policy’ sa lahat ng kanilang miyembro.
Ibig sabihin, wala nang babayarang hospital bill ang sinuman miyembro na ma-a-admit sa isang ward accommodation sa parehong pampubliko at pribadong hospital.