PhilHealth, tiniyak na makipagtutulungan sa mga imbestigasyon

Nangako ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na makipagtutulungan sa mga isinasagawang imbestigasyon.

Ito ay kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagsasampa ng administrative at criminal charges sa ilang opisyal dahil sa iregularidad sa ahensya.

Sa statement ng PhilHealth, sinabi nilang makipagtutulungan sila sa imbestigasyong ginagawa ng composite teams ng Task Force at iba pang ahensya sa ngalan ng katotohanan.


Hinihintay ng PhilHealth ang opisyal na kopya ng Task Force PhilHealth report na una nang isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Handa rin silang sumunod sa anumang magiging direktiba ni Pangulong Duterte.

“As always it is reiterating its unwavering commitment to truth and justice. May the said report, which is also based on the recent Congressional hearings, guide the proper authorities in pursuing those who had been culpable of wrongdoing and exonerate those that are innocent,” dagdag ng PhilHealth.

Facebook Comments