PhilHealth, “top notcher” sa mga ahensyang iniimbestigahan ng PACC dahil sa korapsyon!

Top notcher na ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa listahan ng mga ahensya ng gobyerno na iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa isyu ng korapsyon.

Ayon kay PACC Commissioner Gerco Belgica, sa napakahabang panahon ay nanguna ang Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Public Works and Highways (DPWH) at DENR sa kanilang mga iniimbestigahan.

Bagama’t taon-taon din nilang sinisilip ang PhilHealth, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanguna ang ahensya sa kanilang listahan.


Ayon kay Belgica, halos tapos na ang imbestigasyon ng binuong task force ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isyu ng anomalya sa PhilHealth.

Sa loob ng dalawang linggo ay posibleng makapaglabas na sila ng rekomendasyon.

Facebook Comments