Itinanggi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mayroon silang utang ng nasa mahigit P86 bilyon sa mga ospital simula ng magsimula ang pandemya.
Paliwanag ni PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo, hindi P86 billion, kundi P12.9 billion na lamang ang hindi pa nababayaran ng kanilang ahensya sa mga ospital.
Tiniyak naman ni Domingo na nasa iba’t ibang stage na ito ng pagpoproseso.
Bagama’t hindi nagbigay ng estimated turnaround time para sa processing, binigyang-diin ni Domingo na imposibleng maabot nila ang “zero-zero claims processing status dahil nakakapagtala sila ng nasa 1 million claims kada buwan.
Matatandaang una nang pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth na ayusin ang utang nito sa mga ospital sa lalong madaling panahon.