Mariing kinokontra ng rank-and-file union ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte na isapribado o buwagin ang ahensya.
Ayon sa PhilHealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (PhilHealth WHITE), hindi sila pabor sa ideya dahil magiging ‘disadvantage’ ito sa lahat ng mga Pilipinong nakikinabang sa national health insurance program.
“Abolition or privatization of PhilHealth both places the Filipino people at a clear disadvantage. It is like a government turning away from its constitutional responsibility to protect general welfare,” sabi ng grupo.
Dagdag pa ng grupo, obligasyon ng pamahalaan na itaguyod ang Universal Health Care para protektahan at isulong ang ‘right to health’ ng lahat ng mga Pilipino.
Ang pagsuko sa PhilHealth ay pagsuko na rin sa buong Pilipino.
Kapag isinapribado ang ahensya, makakaapekto ito sa serbisyong ibinibigay sa mga mahihirap na Pilipino.
“Social health insurance, as the term connotes, requires that the underprivileged are no longer burdened by the financial handicap in accessing their basic right to health,” giit ng grupo.
Naniniwala ang PhilHealth WHITE na dapat ding bigyan ng pagkakataon ang bagong itinalagang pinuno sa ahensya na si Dante Gierran.
Suportado rin ng grupo ang hakbang ni Pangulong Duterte na imbestigahan ang korapsyong bumabalot sa ahensya.