PhilHealth YAKAP Program, Inilunsad sa Sektor ng Manggagawa: Mas Pinalapit na Serbisyo, Mas Pinalakas na Proteksyon para sa Manggagawa

Ang mga manggagawang Pilipino ay nagsusumikap araw-araw para sa ikabubuti ng kanilang
pamilya at kinabukasan. Sa katunayan, humigit-kumulang isang-katlo ng ating buhay ay
ginugugol sa trabaho. Sa kabila nito, marami pa rin sa ating mga kababayan, lalo na ang mga
empleyado, ang walang sapat na oras o akses sa serbisyong pangkalusugan.

Bilang tugon dito, inilunsad ng PhilHealth ang Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) para
“Malayo ka sa Sakit” na layuning gawing mas madali at abot-kamay ang primary care para sa
lahat, lalo na sa mga abalang manggagawa. Hindi kailangang magkasakit para magpatingin
at, ang YAKAP ay isang unang hakbang tungo sa pangangalaga, kahit walang iniindang
karamdaman.

Ang YAKAP ay isang konkretong hakbang ng PhilHealth sa ilalim ng direkta ni Pangulong
Ferdinand R. Marcos, Jr. tungo sa Universal Health Care (UHC) para sa bawat Pilipino. Sa
pamamagitan ng programang ito, sisiguruhing walang manggagawang maiiwan sa layunin ng
gobyerno na isang malusog na bayan.

Inilunsad ngayong araw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang YAKAP sa
Yazaki-Torres Manufacturing Inc., Calamba City, upang direktang maabot ang employed
sector. Ang seremonya ay pinangunahan nina DOLE Secretary Bienvenido E. Laguesma at
PhilHealth President and CEO, Dr. Edwin M. Mercado, na kapwa nagbigay-diin na ang
kalusugan ay pundasyon ng masigla at produktibong lakas-paggawa.

“Ito ay bahagi ng aming settings-based registration approach, kung saan nilalapitan na
mismo ng PhilHealth ang mga tao kung nasaan sila, sa mga opisina, eskwela, o
komunidad. Layunin naming mas mapalawak ang saklaw at mas mapabilis ang serbisyo,”
ayon kay PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin Mercado.

“Ang estratehiya namin ay strategic implementation. Gusto naming tiyakin na habang
pinapalawig natin ang serbisyo, pinapahusay din ang kalidad at abot nito.”, dagdag ni Dr.
Mercado.

Sa pagtutok sa primary care ng employed sector sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP, mas
pinapalawak nito ang saklaw ng UHC at pinatitibay ang pundasyon ng isang mas inklusibo at
epektibong sistemang pangkalusugan.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa PhilHealthYAKAP, maaaring bumisita sa
PhilHealth website www.philhealth.gov.ph o tumawag sa PhilHealth hotline: (02) 866-225-
88 o mobile numbers (Smart) 0998-857-2957, 0968-865-4670, (Globe) 0917-1275987 or
0917-1109812.

#Rise30
#SamasamangPagangatParaSaBagongPilipinas
#naYAKAPnaako #MalayoSaSakit #PhilHealthGAMOT #PhilHealthYAKAP

Facebook Comments