Philip Salvador sa mga kritiko ni Presidente Duterte: Mamatay kayong lahat

2372
File photo via Facebook/Bong Go

Hindi napigilan magalit ng batikang aktor na si Philip Salvador sa mga taong patuloy pa rin tumutuligsa kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Salvador, inihayag nito ang maikli ngunit mapangahas na mensahe para sa mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon.


Sa inyo pong lahat na bumabatikos, mamatay kayong lahat. Salamat po,” ani Salvador.

Paglilinaw ni Ipe, ginagawa lahat ni PRRD upang umunlad at maging matiwasay ang Pilipinas.

“Ginagawa lang ng pangulo natin ang lahat para sa ikabubuti ng bansa. Para sa ikabubuti ng bansa, para sa ikabubuti ng bawat Pilipino. Pero binabatikos pa rin siya,” tugon ng beteranong aktor.

Kasama ni Salvador ang kapwa aktor na si Robin Padilla para matunghayan ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Duterte.

Kilalang supporter nina Duterte at Senador Christopher ‘Bong’ Go si Salvador. Kinampanya niya rin ang bagong halal na mambabatas noong nakaraang eleksyon.

Facebook Comments

From Advertisers