Philippine Air Force Entrance Examination para sa Region 2 Applicants, Tuloy na sa September 2020

Cauayan City, Isabela- Tuloy na ang entrance examination para sa aspiring o gustong maging bahagi ng Philippine Air Force sa darating na September 3 hanggang 9 ,2020.

Ayon kay Col. Augusto Padua, group commander ng Tactical Operations Group 2, hanggang bukas ng 8:00 ng gabi ang deadline ng registration online para sa mga gustong maging officer candidate at candidate soldiers.

Kinakailangan lamang na i-access ang website ng PAF na recruitment.airforce.mil.ph para sa mga qualifications, requirement, procedures at instructions ng pagpaparehistro.


Giit ni Padua na hindi sila tatanggap ng mga walk-in dahil sa pag-iingat pa rin sa covid-19.

Pinayuhan din niya ang mga magpaparehistro na gumawa muna ng username at password para sa mabilis na pag-upload ng mga hinihinging requirements at gawin ito sa gabi o sa madaling araw.

Pinaalalahanan din niya na magsuot ng face mask at magdala ng sariling lapis sa mismong araw ng examination.

Ang examination ay isasagawa sa Cagayan State University sa Carig at sa Isabela State University sa Cauayan para sa mga applicants sa Region 2.

Facebook Comments