Puspusan ang ginagawang pag-apula sa wildfire ng Philippine Air Force (PAF) sa Itogon, Benguet.
Ayon kay Philippine Air Force (PAF) Public Affairs Office Chief Col. Ma. Consuelo Castillo, nagsimula ang sunog sa kabundukan ng Brgy. Dalupirip, Itogon, Benguet noong Sabado at patuloy parin itong inaapula.
Ani Castillo, nagtutulong tulong ang mga kawani ng 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force upang mapatay ang sunog.
Gamit aniya ng mga ito ang dalawa nilang Super Huey helicopters na mayroong Bambi bucket na nagsasagawa ng water drops sa kabundukan.
Sa ngayon, umaabot na sa 12 ektaryang lupain ang nasunog kung saan wala namang casualties ang naitala.
Patuloy ring inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang mitsa ng nasabing wildfire.