Philippine Air Force, magtatayo ng mga palikuran at paliguan sa mga evacuation center

Magsisimula na ngayong araw ang Philippine Air Force sa pagtatayo ng mga pansamantalang palikuran at paliguan sa mga evacuation centers.

Ginagawa ito ng Air Force para matugunan ang reklamo ng mga bakwit sa kakulangan ng mga sanitation facilities sa mga evacuation centers.

Ayon kay Maj. Aristides Galang, tagapagsalita ng Phil. Air Force, nasa main evacuation center sa Poblacion 3, Sto. Tomas, Batangas ang 355th Aviation Engineer Wing (AEW).


Agad na i-dineploy ang mga ito sa Calabarzon matapos na ihayag ni Philippine Airforce Commanding General Mgen. Allen Paredes sa kanyang assumption speech na dapat ay laging maging first responders ang Air Force sa panahon ng kalamidad.

Bitbit ng 355th Aviation Engineering Wing ang mga dump truck, skid steers, road grader, back hoe loader, at excavator para masimulan na ang konstruksyon pagdating ng mga karagdagang construction materials galing sa LGU.

Maliban dito, nagbigay din ang Air Force ng mga helicopters sa lugar para magsagawa ng araw-araw na Inspection flights.

Facebook Comments