Lumapag na sa Clark Airbase sa Pampanga ang lima sa 16 na pinakabagong mga Sikorsky S70-i Blackhawk Helicopter para sa Philippine Air Force.
Ayon kay Department of National Defense (DND) Spokesperson Director Arsenio Andolong, isinakay ang unang batch ng mga biniling helicopter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Antonov Heavy Transport plane na dumating nitong November 9, 2020.
Ang Sikorsky Helicopter ng Air Force ay mula sa Polish Company na Polskie Zaklady Lotnicze sa ilalim ng Siroksy USA na may halagang mahigit 241 million US dollar sa pamamagitan naman ng government to government transaction sa Poland.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, malaking bagay ang mga nabiling bagong helicopter para sa AFP dahil may kakayahan ito para sa iba’t ibang operasyon kabilang na ang combat mission, humanitarian assistance at disaster response.
Dagdag pa ng Kalihim, maaari ring magamit ang nasabing mga helicopter para sa nagpapatuloy na pagtugon ng gobyerno kontra COVID-19.
Nakatakda namang dumating sa Maynila sakay ng barko ang ika-anim Sirkorsky Helicopter sa susunod na buwan habang ang nalalabing 11 pa ay nakatakdang dumating sa unang bahagi sa susunod na taon.