Nagtayo na rin ng mga community pantry ang Philippine Air Force (PAF) sa anim na lugar sa Metro Manila.
Ayon kay Lt. Col. Maynard Mariano, Chief ng Air Force Public Affairs Office, namigay sila ng bigas, canned goods, toiletries, sariwang gulay at iba pa nitong nakalipas na Biyernes at Sabado sa mga barangay representatives ng Brgy. 183 Pasay City; Brgy. 889, Zone 89, Sta. Ana, Manila; Brgy 835, Zone 91, Beata Street, Pandacan, Manila; Barangka Itaas, Mandaluyong City; Brgy. Rizal, Makati City at Brgy. Napindan, Taguig City para ipamigay sa mga residente.
Matatandaang inutos na ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana sa buong hanay ng AFP na suportahan ang mga community pantry sa pamamagitan ng pamamahagi ng pagkain sa mga nangangailangan sa gitna ng pandemya.