Philippine Air Force, Namahagi ng mga PPE’s sa SIMC Santiago City!

Cauayan City, Isabela- Kabilang ang Southern Isabela Medical Center sa Lungsod ng Santiago ang maswerteng nabigyan ng Philippine Air Force ng mga Personal Protective Equipment (PPE’s) at mga assorted medical kit.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay 2LT Anjo Llamasares ng Philippine Air Force, namahagi ang hukbong himpapawid ng Pilipinas ng libreng mga PPE’s, face shields, surgical mask, gloves at mga alcohol para sa mga healthworkers ng naturang ospital.

Nagbigay rin ng mga rain coats ang PAF para sa mga frontliners na nasa labas.


Ayon pa kay 2LT Llamasares, marami na silang nabigyan na mga ospital sa iba pang mga Lalawigan at mga nabigyan na rin ng mga relief goods sa higit na mga nangangailangan.

Giit nito, lalo aniyang nadadagdagan ang kanilang lakas at nagsisilbi rin na inspirasyon ang nakikitang tuwa at kagalakan ng kanilang mga nabibigyan at natutulungan.

Samantala, nakatakdang magtungo ngayong araw, April 21, 2020 sa Lalawigan ng Ifugao ang tropa ng PAF upang mamili ng mga gulay at pananim ng mga local farmers at dadalhin sa Metro Manila.

Facebook Comments