Pinaguusapan na ngayon ang pamunuan ng Philippine Airforce at Department of Agriculture ang pagsasagawa ng cloud seeding ito ay upang kahit papaano maibsan ang nararanasang init ng panahon na nagreresulta sa kakulangan ng supply ng tubig at pagkamatay ng mga pananim.
Ayon kay Philippine Airforce Spokesperson Major Aristedes Galang pinaguusapan sa ginagawang koordinasyon ng Philippine Airforce at DA ay ang mga lugar kung saan isasagawa ang cloud seeding.
Ikinokonsidera din aniya nila ang weather, aircraft at mga tauhan na gagawa ng cloud seeding pero tiniyak ni Galang na nakahanda ang Philippine Airforce para ditto.
Sa ngayon aniya available para sa cloud seeding ang kanilang cessna plane at nomad aircraft.
Hinihintay na lamang ngayon ng Philippine Airforce kung ano mapagkakasunduan sa pagitan ng DA para gawin ang cloud seeding.