Hinikayat ng Philippine Airlines (PAL) ang mga pasahero na dumating sa paliparan apat na oras bago ang nakatakda nilang flight.
Partikular nilang inaabisuhan ang mga pasahero na papuntang ibang bansa dahil mayroon silang karagdagang screening measures sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Pinayuhan din nila ang mga pasaherong lilipad para sa domestic flight na maglaan ng tatlong oras.
Dagdag pa ng PAL, pansamantalang nakasara ang immigration e-Gates sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa Philippine passport holders.
Ang mga pasahero naman na darating sa maynila ay kinakailangan ayusin ang kanilang mga arrival cards saka sasailalim sa screening bago magpunta ng immigration counter.
Ang hakbang na ito ay bilang bahagi na din ng preventive measures para matukoy ang bawat pasahero kung mayroon o wala itong Covid-19.