Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) na positibo sa monkeypox ang isa sa mga pasahero nito sa PR300 na may rutang Manila to Hong Kong nitong Lunes, September 5.
Sa isang pahayag, sinabi ni PAL spokesperson Cielo Villaluna sa iba pang pasahero ng naturang flight na i-monitor ang kanilang kalusugan matapos ang napabalitang kaso ng naturang virus.
Partikular dito ang mga pasahero sa naturang flight na malapit sa infected patient.
Nakikipag-ugnayan na ang PAL sa mga health officials sa Hong Kong at Pilipinas para sa pagbahagi ng mahahalagang impormasyon hinggil dito.
Sa ngayon, apat pa lamang ang kumpirmadong kaso ng monkeypox sa bansa kung saan may kinalamang sa pagbiyahe sa ibang bansa na may kaso ng naturang virus ang naunang tatlong kaso.