Philippine Airlines, may apela sa mga pasahero sa harap ng mass leave ng immigration officers

Manila, Philippines – Nananawagan  ang Philippine Airlines sa kanilang mgapasahero na paalis patungong ibang bansa na agahan pa ang kanilang pagtungo saNAIA Terminal 2.
  Sa harap ito ng mass leave ng immigration officers saNAIA.
  Ayon sa pamunuan ng PAL, kailangang makapag-check-in angmga pasaherong sasakay sa international flights , ng apat hanggang limang (4-5)oras bago ang kanilang takdang oras ng lipad.
  Nagiging abala kasi ngayon sa pag-take off ng mgaeroplano ang paghihintay sa mga pasaherong naiipit sa mahabang pila  sa Immigration counters dahil sa mass leaveng immigration officers bilang protesta sa hindi pagbabayad sa kanilangovertime. 
  Ilan ding immigration officers’ ang nag-resign na dahilsa nasabing usapin
 

Facebook Comments