Philippine Airlines, nagbabala laban sa fake advertising sa social media

Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine Airlines kaugnay ng pekeng advertising na kumakalat sa Facebook.

Sa naturang fake advertising,nakasaad na namimigay ang PAL ng libreng tickets bilang bahagi ng kanilang anniversary celebration.

Nilinaw ng flag carrier na ang kanilang advertisements at promotions ay naka-post lamang sa official PAL FB page o di kaya ay sa kanilang website na www.philippineairlines.com.


Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Airlines sa mga otoridad para panagutin ang nasa likod ng pagpapakalat ng fake ads.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments