Manila, Philippines – Naglatag ng options ang Philippine Airlines sa mga pasaherong naka-book sa flights sa ilang lugar sa Mindanao.
Sa harap ito ng umiiral na Martial Law sa Mindanao matapos ang pag-okupa ng Maute Group sa Marawi City.
Pinapayuhan ng PAL ang mga pasaherong naka-book hanggang July 30, 2017 patungo o mula sa Butuan, Cagayan de Oro, Cotabato, Dipolog, Davao, General Santos, Ozamiz, Surigao at Zamboanga na mag-avail ng mga sumusunod na options:
Pagpapa-Rebook ng tickets sa loob ng siyamnapung araw mula sa original flight date o within ticket validity period.
Pahihintulutan din ng Philippine Airlines ang Rerouting nang walang babayarang karagdagang pamasahe at buwis o di kaya ay maaari ring i-refund ang tickets nang walang penalty.
DZXL558, Joyce Adra