Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Airlines (PAL) sa local at national government authorities kaugnay ng pagplantsa sa mga panuntunan sa muling pagbubukas ng kanilang mga ruta sa mga lalawigan.
Tiniyak naman ng PAL na agad silang mag-aabiso sa publiko kaugnay sa mga rutang bubuksan.
Tiniyak din ng flag carrier na sa ilalim ng “new normal” ay mahigpit na ipatutupad ang health protocols.
Sa mga paliparan naman, nilagyan na ng protective shields ang check-in counters.
Sa boarding naman ay paiiralin ang “by batch” para matiyak ang social distancing sa mga pasahero.
Tiniyak naman ng PAL na naglagay sila ng High-Efficiency Particulate Air (HEPA) filters sa loob ng eroplano habang ang mga flight crew ay nakasuot ng Personal Protective Equipment (PPEs).