Philippine Airlines, pansamantalang nagsuspinde ng biyahe sa ilang bansa sa harap ng isyu sa sinasabing aircraft shortage

Nag-anunsyo ang Philippine Airlines (PAL) ng pansamantalang kanselasyon ng kanilang flights sa ilang bansa.

Sa harap ito ng usapin sa kakulangan ng mga eroplano at sa maraming depektibong eroplano ng PAL.

Sa kanilang paskil sa NAIA 1, kabilang sa pansamantalang itinigil ang operasyon ng PAL sa Canada, Hong Kong, Kansai, Singapore, Bangkok, Guam, Narita at Fukoka.


Magugunitang ilang pasahero ang nagalit sa mga biglaang kanselasyon ng flag carrier sa kanilang flights sa ilang bansa.

Kinumpirma naman ni PAL Spokesman Cielo Villaluna na patuloy na kinukumpuni ang kanilang mga depektibong eroplano.

Aniya, agad na ililipat ang mga pasahero sa mga susunod na available flights.

Facebook Comments