Philippine Airlines, tiniyak na lahat ng Domestic at International Flights ay On-Schedule 

Tiniyak ng Philippine Airlines (PAL) sa mga pasahero na lahat ng kanilang Domestic at International Flights ay On-Schedule.

Ito’y kasunod na rin ng anunsyo ng Cebu Pacific na pagkakansela sa ilang flights mula May 1 hanggang May 10.

Sa statement ng PAL, nananatiling normal ang kanilang flights at airport operation sa Manila, Cebu, Clark, at Davao.


Handa ang PAL na makipagtulungan sa government authorities, lalo na sa Dept. Of Transportation, at sa Civil Aeronautics Board para magbigay ng tulong sa mga apektadong pasahero.

Facebook Comments