Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc., tiniyak na natutugunan ang shortage sa mga basic goods at bottled water sa mga lugar na nasalanta ng bagyo

Tumutulong na rin ang Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. (PAGASA) para matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektado ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Sa harap na rin ito ng kakapusan ng mabibiling basic goods at bottled water.

Sa interview ng RMN Manila kay PAGASA President Steven Cua, kabilang sa mga ginagawa nilang paraan ay pagkuha ng suplay sa Metro Manila upang ipadala sa Visayas at Mindanao.


Doble kayod na rin aniya ang operasyon ng mga suppliers ng ilang grocery items upang matiyak na may supply sa merkado.

Facebook Comments