Philippine Ambassador to Canada, pinauuwi na sa bansa ni Foreign Affairs Sec. Locsin

Kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin sa kanyang official twitter account na pinauuwi na nya ang Ambassador at ilan pang kinatawang ng bansa sa Canada.

Ito ay bunsod ng kabiguan ng Canada na sumunod sa deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para hakutin ang mga basurang itinapon sa ating bansa ilang taon na ang nakararaan.

Sinabi ni Sec. Locsin na inaasahang nasa bansa na ang grupo ni Philippine Ambassador to Canada Petronila Garcia sa mga susunod na araw kasabay ng pagtatapos ng May 15 deadline.


Pero paliwanag ng kalihim mayruon paring mga kinatawan ang bansa na mananatili sa Canada hanggat hindi naibabalik ang mga imported na basura.

Kasunod nito nanindigan si Locsin na bagamat pwedeng ikonsidera ng gobyerno ang 2 hanggang 3 linggong pagka antala, hindi parin mababago ang May 15 deadline na ibinigay ng Pilipinas sa Canada.

Matatandaang dumating by batch sa bansa nuong 2013 hanggang 2014 ang 103 container vans na naglalaman ng pinaghalong basura galing Canada, kasama ang mga household waste tulad ng mga plastic, infectious waste gaya ng maruruming diaper, mga haradous waste tulad ng electronic waste at iba pa.

Facebook Comments