Manila, Philippines – Kinumpirma na ng makapangyarihang Commission on Appointments o CA ang pagkakatalaga kay Jose Manuel “Babe” Romualdez bilang ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Si Romualdez ay dating mamamahayag na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Ambassador sa US nitong lamang July 27.
Walang tumutol sa kumpirmasyon ni Romualdez.
Si Senator Panfilo Ping Lacson na siyang chairman ng CA Committee on Foreign Affairs ang nag-endorso sa kumpirmasyon ni Romualdez.
Sinegundahan naman ito nina Senators Loren Legarda, Juan Miguel Zubiri at Tito Sotto III.
Tiwala si Lacson na sa pamamagitan ni Romualdez ay mas magiging matatag pa diplomatic engagement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Nagpahayag naman si Legarda na pagkabilib sa kakayahan ni Romualdez na makitungo sa lahat ng indibidwal saan mang antas ng pamumuhay o sektor ang mga ito nabibilang.