Philippine Anti Drug strategy hindi na mababago matapos ang law enforcement cluster meeting kasama si Vice Pres Robredo

153

Walang magbabago sa mga strategy ng Philippine National Police sa pagsasagawa ng mga anti illegal drugs operations.

 

Ito ang pahayag ni PNP Officer in Charge Lt Gen Archie Gamboa matapos itong dumalo sa law enforcement cluster meeting kasama si Vice Pres Leni Robredo.


 

Ayon kay Gamboa kumbinsido ang pangalawang pangulo sa mga strategy matapos na mapagaralang mabuti ang tokhang, double barrel, double barrel alpha, reloaded.

 

Pero wala naman daw problema sa PNP kung magsagawa ng re assessment sa mga anti drug operation strategy si Vice Pres Robredo bilang co chair ng Inter Agency Committee on Anti illegal Drugs

 

Sinabi pa ni Gamboa na tatlong bagay ang ipinunto ng pangalawang pangulo sa pagpupulong una ay moving forward kung saan anuman ang mga nakalipas na nangyari kalimutan na.

 

Pangalawa measuring success at pangatlo magkaroon ng pare parehong figures sa pagsasagawa ng anti drug operations na para kay Gamboa ay matagal ng naipapatupad ng ICAD.

Facebook Comments

From Advertisers