Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Philippine Army at ng U.S. Army Pacific (USARPAC) para sa idaraos na 2023 Salaknib exercises.
Sa isinagawang planning conference na dinaluhan ng magkabilang delegasyon sa Hawaii mula June 27 hanggang June 30, 2022, pinagusapan na ang mga strategic objective, area of operations, exercise timeline para sa naturang pagsasanay na idaraos sa susunod na taon.
Una nang sinabi ni Commanding General Philippine Army Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., na ang combined exercises sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos ay nangangahulugan lamang ng “long-standing bilateral relations” sa pagitan ng 2 bansa sa layuning mapanatili ang free and open Indo-Pacific region.
Ang “Salaknib” ay nangangahulugang Shield sa mga Ilocano na isang annual bilateral combined exercise na target na maihanda ang pwersa ng 2 bansa at ma-develop ang kanya kanyang tactical interoperability.
Inaasahang nasa 2,200 sundalo mula sa Pilipinas at US ang makikibahagi sa nasabing Salaknib exercises.