Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorezana na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) board of generals na gawing susunod na AFP Chief si Lieutenant General Gilbert Gapay.
Si Gapay ang kasalukuyang Philippine Army Chief.
Ang pagpili ng bagong pinuno ng AFP ay dahil sa nakatakdang pagreretiro ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr. sa August 4, 2020.
Sa inilabas na dokumento ni Secretary Lorenzana na pirmado ni Pangulong Duterte, makikita na epektibo sa August 3, 2020 ang pag-upo bilang bagong AFP Chief of Staff ni Lt. Gen. Gilbert Gapay.
Facebook Comments