Philippine Army Chief Lt. Gen. Glorioso Miranda, papalitan na

Manila, Philippines – Mapapalitan na bukas ang Commanding General ng Philippine Army na si Lt. Gen. Glorioso Miranda.

Ito ay dahil sa nakatakda nitong pagretiro sa ika-8 ng Oktubre taong kasalukuyan ang araw ng kapanganakan ng opisyal para sa edad na 56 na taong gulang.

Ayon kay AFP Public affairs Office Chief Marine Col.Edgard Arevalo, papalitan si Miranda ni Major General Rolando Joselito Bautista.


Si Bautista ay miyembro ng Philipine Military Academy Sandiwa class 1985.

Nagsilbi si Bautista bilang Commander ng 1st Infantry Tabak Division at Brigade Commander ng 104th Brigade sa Basilan.

Nagsilbi rin ito ng mahahalagang posisyon sa nangyayaring giyera sa lungsod ng Marawi bilang ang Joint Task Force Marawi Commander.

Facebook Comments