Philippine Army Headquarters Support Service, may bagong pinuno

Pormal nang iniluklok ni Philippine Army Chief Lt. General Romeo Brawner Jr., bilang bagong acting commander ng Philippine Army Headquarters Support Service si Col. Napoleon de Vera.

Si Col. De Vera na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sambisig” Class of 1991 ay nagsilbi bilang deputy commander ng HSS mula Setyembre 2019.

Pinalitan ni Col. De Vera si Brig. Gen. Rosalio Pompa, ng PMA “Bigkis Lahi” Class of 1990 na nagretiro sa serbisyo nitong linggo matapos ang mahigit 36 na taong paglilingkod sa militar.


Sa kanyang mensahe sa Change of Command and Retirement ceremony sa Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, pinuri ni Lt. Gen. Brawner si BGen. Pompa sa kanyang pagpapabuti ng mga pasilidad at seguridad ng Philippine Army Headquarters lalo na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Kasunod nito, hiinimok naman ni Lt. Gen. Brawner ang kapalit ni BGen. Pompa na si Col. De Vera na ipagpatuloy ang kanyang mahusay na pagseserbisyo sa kanyang pamumuno sa Headquarters Support Service.

Facebook Comments