Philippine Army, humingi ng tulong sa NBI sa pag-iimbestiga sa kaso ng pagpatay ng isang pulis sa retiradong sundalo sa Quezon City

Humiling ang pamunuan ng Philippine Army sa National Bureau of Investigation para magsagawa ng impartial investigation sa kaso ng pagkakapatay ng isang pulis sa isang retiradong sundalo sa Quezon City kamakailan.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, sumulat mismo si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay kay NBI Director Atty. Eric Distor na humihingi ng tulong para magsagawa ng imbestigasyon.

Ito ay dahil na rin sa prejudgement ng mga police investigators sa kaso maging ang magkakaibang claims ng mga pulis na sangkot sa insidente, pahayag ng mga witness at mga kuhang footage sa insidente.


Sinabi pa ni Zagala, na dahil sa insidente, pinarere-view ni Gapay ang existing policies at programs ng Philippine Army para sa combat stress, trauma risk management at ibang health concerned ng mga miyembro ng Army na may kaugnayan sa mental health.

Tiniyak naman ni Gapay na mabibigyan ng tulong ang naiwang pamilya ni Corporal Winston Ragos na binigyan ng complete disability discharge from military service noong taong 2017 matapos ma-diagnosed na may mental disorder dahil sa mga pagsabak sa gyera.

Facebook Comments