Mariing itinanggi ng Philippine Army ang akusasyon ng New People’s Army (NPA) na militar ang nasa likod ng pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.
Sa isang panayam, sinabi ni Division of Public Affairs Office Chief Capt. Joash Pramis na bahagi lang ito ng mga propaganda ng rebeldeng grupo para ibahin ang isyu at lituhin ang publiko.
Sinakyan lang din aniya ng NPA ang ginagawang imbestigasyon ng PNP.
Una rito, kinondena ng NPA ang pagpaslang kay Batocabe at sinabing posibleng militar ang nasa likod ng krimen.
Samantala, nagsasagawa na rin ang Philippine Army ng sariling hakbang para makatulong sa imbestigasyon ng PNP sa nasabing kaso.
Facebook Comments