Philippine Army, kinilala ang kabayanihan ng 3 sundalong nasawi matapos maka-engkwentro ang mga rebelde sa Mindoro

Binigyang pagkilala ng Philippine Army ang kabayanihan ng tatlong sundalo na nag-alay ng buhay sa pakikipaglaban upang protektahan ang mamamayan ng Oriental Mindoro laban sa natitirang myembro ng Communist Terrorist Group.

Ayon kay Phil. Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, ang kanilang tapang ay patunay ng walang humpay na pagtupad sa tungkulin para ipagtanggol ang sambayanang Pilipino laban sa anumang anyo ng terorismo at karahasan.

Kasabay nito, kinilala rin ang katapangan ng mga sugatang sundalo na nasaktan sa naturang engkuwentro.

Kasunod nito, tiniyak ng pamunuan ng Hukbong Katihan na magbibigay sila ng kinakailangang suporta sa mga sugatan at sa naiwang pamilya ng mga nasawing sundalo.

Dagdag pa ni Dema-ala magsisilbing inspirasyon ang sakripisyo ng mga sundalo upang lalo pang palakasin ang laban para tuluyang wakasan ang terorismo.

Facebook Comments