Philippine Army, magbibigay ng suportang-pinansyal sa mga naulilang pamilya ng tatlong sundalong nasawi sa pagsabog sa Sulu

 

Siniguro ng Philippine Army na magbibigay sila ng suportang-pinansyal sa mga naulilang pamilya ng tatlong sundalong nasawi sa pagsabog sa isang kampo ng militar sa Indanan, Sulu, noong biyernes.

 

 

kinilala ang mga sundalong nasawi na sina Corporal Richard Macabadbad, Private First Class Dominique Inte at Private First Class Recarte Alban Jr.

 

 

Ayon kay Philippine Army Spokesman Lieutrant Coronel Ramon Zagala, na makakatanggap ang mga naiwang pamilya ng command special financial assistance galing sa Philippine Army Headquarters at Burial Assistance na nagkakahalaga ng ₱80,000.


 

 

Bukod pa rito, makakatanggap din sila ng benepisyo mula sa Comprehensive Social Benefits Program (CSBP) ng Office Of The President’s Social Civic Projects Fund (SCPF) tulad ng special financial assistance na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso,  educational assistance sa dalawang dependents at shelter assistance mula sa National Housing Authority.

Facebook Comments