Maghihigpit na ang Philippine Army sa neuro-psych test sa mga bagong recruit.
Ito ang ipinag-utos ni Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., matapos ang nangyaring shooting incident nitong Sabado na naganap sa 4th Infantry Division (4ID) Headquarters sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.
Sa naturang insidente, apat na sundalo ang nasawi nang bigla na lamang walang habas na namaril ang kanilang kapwa sundalo habang sila ay nasa loob ng barracks at natutulog.
Ayon kay Gen. Brawner, para maiwasang maulit ang insidente kailangang masiguro na lahat ng mga bagong recruit ay makakapasa sa neuro-psych test.
Pinasisiguro din ni Gen. Brawner na maayos na naipatutpad ang mga mental health program para sa mga sundalo.
Paliwanag nito maraming hamon na kinakaharap ang mga sundalo na maaring makaapekto sa kanilang mental health kaya kailangang regular na ma-check kung nasa maayos silang kalagayan.