Philippine Army, mahigpit na tinututukan ang nagaganap na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine

Mahigpit na tinututukan ng Philippine Army ang nangyayaring giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., may mga plano at contingencies din hinahanda ang militar sakaling magkaroon ng worst case scenario.

Bukod dito inamin din ni Brawner na may natutunan sila sa nangyayaring tensiyon ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.


Isa dito ang pagpapalakas ng reserve force ng bansa paghahanda sa posibleng mangyaring pananakop.

Aniya, dapat hubugin ang mga kabataan na ipaglaban ang ating bayan laban sa mga mananakop.

Samantala, isa naman sa nakikitang epekto sa bansa sa nangyayaring giyera ay ang pagtaas ng presyo ng krudo at petrolyo.

Inihayag din ni Philippine Army chief na ipinatawag sila ng Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang ilang pinuno ng ahensya ng gobyerno para sa command conference at tinalakay ang mga ilang hakbang para mabawasan ang epekto ng giyera sa ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments