Inilalatag na ng Philippine Army ang ilang mga aktibidad kasunod na rin ng paggunita sa Marawi liberation.
Ayon kay Philippine Army Assistant Chief of Staff for Personnel G1 Colonel Ramon Flores, mayroon silang inihandang mga aktibidad upang alalahanin ang kabayanihang ginawa ng mga sundalo na isinugal ang kanilang buhay makamit lamang ang kapayapaan at kalayaan sa Marawi.
Aniya, ang Philippine Army ang syang nagbigay ng crucial role sa Marawi liberation.
Kasunod nito, magkakaroon ng exhibit ng Marawi memorabilia o mga gamit na narekober ng mga sundalo sa mismong encounter site sa Philippine Army Officers’ Clubhouse Pavilion kung saan ito ay bukas sa publiko.
Habang sa darating na October 17 naman ay magkakaroon ng wreath-laying ceremony sa Marawi Pylon, Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, Taguig.
Matatandaang kinubkob ng teroristang grupong Maute at Abu sayyaf ang Marawi nuong May 23, 2017 kung saan nagtagal ito ng limang buwan bago tuluyang nabawi ng pwersa ng militar ang Marawi noong October 23, 2017.