Binuksan kahapon ng Philippine Army ang kanilang Mental Health Resilience Center sa Army General Hospital (AGH) kasabay ng paglulunsad ng kanilang Comprehensive Mental Health Program.
Pinangunahan ni Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay ang pagsisimula ng programa na tinawag na Kaagapay ng mga Bayani na layuning magbigay ng kakayanan na labanan ang mental disorders sa hanay ng Army personnel.
Matatagpuan naman sa AGH Ground Floor Outpatient Wing ang binuksang Mental Health Resiliency Center.
Ang layunin nito ay tulungan ang Philippine Army na maagang makita at magamot ang mental disorders.
Magbibigay din ito ng training at Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD) psychological intervention at magsasagawa ng comprehensive neuropsychiatric evaluation para sa enlistment, promotion, schooling, at employment.
Sinabi ni Gapay na ang Philippine Army health program ay batay na rin sa Republic Act No. 11036 o ang The Mental Health Act.