Philippine Army, nakatanggap ng 46 milyong pisong halaga ng disaster response equipment mula sa Japan

Nagpasalamat si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gobyerno ng Japan dahil sa donasyong 46 na milyong pisong halaga ng Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) equipment sa Philippine Army.

Tinanggap ni Lorenzana ang donasyon mula kay Japanese Ambassador to the Philippines, His Excellency Kazuhiko Koshikawa sa isang turnover at blessing ceremony sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig kahapon.

Kinabibilangan ito ng life boats at vests, chainsaws, mga kagamitang panghukay, mga pang-ilaw na may generator, at iba pang search and rescue equipment.


Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Lorenzana na hiling niya ay walang mangyaring pagkakataon na kakailanganin ang mga mga kagamitan.

Pero kung mangyari man ang sakuna, mas kampante aniya ang Phil. Army sa kanilang kakayahang rumesponde dahil sa mga nasabing mga kagamitan.

Ang mga kagamitan ay iti-turn over sa Army 51st Engineering Brigade na siyang naka-standby na disaster response unit sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Facebook Comments