Philippine Army, Sinimulan Nang Higpitan Ang Seguridad Lnmb

45

MANILA – Inumpisahan nang higpitan ng Philippine Army ang seguridad sa libingan ng mga bayani sa Taguig City.Ang Phil. Army ang siyang namumuno sa nasabing libingan.Ayon kay Army Spokesman Col. Benjamin Hao, hindi na sila ngayon basta-basta nagpapapasok sa loob ng libingan mula nang may nag-vandalize sa isang bahagi nito noong agosto.Maliban na lamang kung kaanak o kaibigan ng nakahimlay, basta’t mayroon itong request letter mula sa pamunuan ng himlayan at kinakailangan ding ipaliwanag ang pakay sa pagpasok.Tumanggi namang idetalye ni Hao sa kung paanong seguridad ang kanilang ipatutupad sa libingan ng mga bayani sa mismong araw ng paghihimlay doon kay dating pangulong ferdinand marcos.

Facebook Comments