Philippine Army, taos-pusong nakikiramay sa naulilang pamilya ng sundalong pinatay ng NPA

Patay ang isang sundalo matapos atakihin ng teroristang grupo na New People’s Army (NPA) sa Barangay Calpi, Bulan, Sorsogon, nitong September 6, 2024.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Army tinambangan ng NPA ang ating tropa habang sila ay nakasakay ng motorsiklo.

Ayon pa sa militar, walang bitbit na armas ang ating tropa dahil sila ay mula sa community support program.


Kaugnay nito, taos pusong nakikiramay ang Philippine Army sa naulilang pamilya ni Cpl. Rodel Felismino na nag-alay ng buhay para sa bayan.

Nangako din ang Hukbong Katihan na papanagutin at igagawad ang hustisya sa nasawi nilang kawal at patuloy na magsasagawa ng operasyon upang matuldukan na ang insurhensya sa bansa.

Facebook Comments