Philippine Army, tuloy ang clearing operation sa mga lugar na malapit sa Mt. Bulusan matapos ang pangalawang phreatic eruption

Hindi tumitigil ang mga tauhan ng Philippine Army (PA) sa pagsasagawa ng clearing operation sa ilang barangay sa Juban, Sorsogon, matapos ang pangalawang phreatic eruption ng Mt. Bulusan nitong June 12.

Ayon kay PA Spokesperson Xerxes Trinidad, ang disaster response unit ng Headquarters Joint Task Force Bicolandia ang nanatili ngayon sa Barangay Puting Sapa sa Juban, Sorsogon para linisin ang mga abo nasa kalsada.

Nanatili aniya sa Red Alert status ang kanilang unit sa lugar para sa posibleng humanitarian assistance and disaster response missions.


Una nang nalinis ng tropa ng Philippine Army sa lugar ang mga kalsada sa Barangay Rangas sa bayan ng Juban.

Pinuri naman ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr., ang mga miyembro ng army humanitarian assistance and disaster response teams at maging mga reservists dahil sa kanilan dedikasyon na matiyak ang kaligtasan ng mga pamilyang apektado ng phreatic eruption ng Mt. Bulusan.

Facebook Comments