Philippine Army, tutulong na rin sa pagsugpo ng bird flu virus sa Pampanga

Pampanga – Nilinaw ni Philippine Army Operation Division Chief Col. Antonio Nafarrete na tutulak na bukas ang isang batalyon o 400 mga miyembro ng Philippine Army upang tumulong sa gagawing culling ng Department of Agriculture sa mga manok at itik sa Pampanga.

Ayon kay Col. Nafarrete, humingi sa kanila ng tulong si Agriculture Secretary Manny Piñol dahil kulang ang mga tauhan ng ahensiya para tuluyang masugpo ang naturang virus na kumakalat sa lugar.

Paliwanag ng opisyal, bagamat matatapos na umano sa loob ng 3 araw ang culling pero kailangan umano ang kanilang suporta dahil handa ang mga sundalo sa anumang mga aktibidad na ipapagawa sa kanila.


Sa panig naman ng DA, sinabi ni Piñol na mayroong mga lugar na hindi pwedeng ilibing ang mga manok at itik dahil matubig ang lupa kaya rekomendasyon nila ay sunugin nalamang pero kinakailangan pa nilang makipag-ugnayan sa DENR upang malaman kung walang paglabag sa Clean Air Act ang kanilang gagawing pagsunog.
Giit pa ng kalihim, malaking impact psychologically ang pagkamatay ng mga manok at itik dahil maraming tumatangkilik dito pero sa ekonomiya aniya ay point 3 percent lamang ang nawawala sa gobyerno.

Facebook Comments