Philippine at US Navy, sabay na magsasagawa ng drill sa bansa

Aarangkada na sa darating na sa Lunes, October 2, 2023 ang taunang sabayang drill ng Philippine Navy at United States Navy.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto, gaganapin ang “Exercise Samasama” sa Naval Forces Southern Luzon area of operations.

Layon ng pagsasanay na mapahusay ang interoperability ng dalawang pwersa sa sabayang pagsasagawa ng iba’t ibang misyon gayundin ang pagpapatatag ng dalawang bansa ng international defense cooperation na naka angkla sa rules-based international order.


Kabilang sa mga pagsasanay ay ang anti-submarine warfare, anti-surface warfare, anti-air warfare at electronic warfare.

Bukod dito, lalahok din ang Japan Maritime Self Defense Force, Royal Australian Navy, Royal Canadian Navy, French Navy at United Kingdom sa Subject Matter Expert Exchange at Humanitarian and Disaster relief table-top exercise, para mapahusay ang kanilang interoperability sa Philippine Navy.

Habang lalahok naman ang Royal New Zealand Navy at Indonesian Navy bilang mga observers.

Tatagal ang Exercise Samasama sa bansa hanggang October 13, 2023.

Facebook Comments