Philippine Azkals kontra Yemen, pinangalanan na

Manila, Philippines – Inilabas na ng Philippine Football Federation ang listahan ng dalawamput-tatlong player na bubuo ng national men’s football team na lalaban kontra Yemen sa October 10 sa Doha, Qatar.

Sina Stallion Laguna FC scorer Jhan Jhan Melliza at JPV Voltes Marikina defender Sean Patrick Kane ang dalawang pinakabagong miyembro ng Philippine Azkals.

Nagbabalik din sa koponan si AC Horsens defender Daisuke Sato at FC Meralco Manila mainstay Curt Dizon sa national team.


Nagtabla ang Pilipinas at Yemen, 2-all sa una nang paghaharap noong September 5 sa Panaad Park and Stadium sa Bacolod City.

Tutulak ngayong Linggo patungong Doha ang Philippine Azkals para paghandaan ang kanilang Asian Cup Qualifier rematch kontra Yemen.

Facebook Comments