Manila, Philippines – Hindi makakapaglaro ang beteranong player ng Philippine Azkals na si Manny Ott kontra Yemen sa Martes sa Doha, Qatar.
Kailangan kasing magpahinga ng anim na linggo ni Ott matapos ma-injure sa kanilang practice dalawang araw na ang nakakaraan.
Ayon sa doktor na tumingin kay Ott, may bahagyang punit sa MCL sa kanang tuhod nito. Hindi naman kailangan ng operasyon, pero kailangan ipahinga ni Ott ang kaniyang tuhod para gumaling ito.
Isa si Ott sa inaasahan na mag-sstart kontra Yemen pero dahil sa kaniyang injury, malaking adjustment ang kailangan gawin ni national coach Thomas Dooley para punan ang kawalan nito sa kanilang crucial game sa AFC 2019 Cup Qualifier.
Facebook Comments